Nagkaron ka na ba ng officemate na nakakalurkey? aymsure lahat tayo meron nyan. Eh pano kung ung officemate mo na itech ay sobrang nakakalurkey, eh wish mo lang na mag disappear na sha sa mundong ibabaw? Enter Dorina. Cynthia? well, eto na.
Si Dorina ay isang mashonders na merlat na nuknukan ng shonget. true. as in. shonget sha. shonget to the point na aakalain mong sha si Princess Fiona pagdating ng gabi. pero wiz naman sha color green. fleshy naman sha. yun nga lang kamukha talaga nya si Princess Fiona, Ogre version.
Paano naging nakakalurkey si Dorina? eto na. wait lang.
INT. Office. (mga alas diyes ng umaga)
krrrrrrrrring krrrrrrrrrring!
Maria: Helurkey!
Dorina: aynako! kayo talaga jan sa (insert company's name here.)!!!! mga traydor kayo! kayo lahat! bratatatatatatatatatatatatatatatatatat! hindi nyo na ko ginalang! akala ko magkakaibigan tayo! pero hindi pala! pilit nyo kong tinitira patalikod! bratatatatatatatatatatatat! bratatatatatatatatatatatatatatatatatat!
si Maria ay isa sa mga officemates ko na biktima ni Dorina. sya ang laging natatalakan ni Dorina. dahil, sa trabaho ni Maria, lagi nyang kausap si Dorina. pero hindi pa jan natatapos ang lahat. isa pa lang yan sa mga keme ni Dorina. marami pa. as in.
Kilalanin naman natin si Dona. si Dona ay bago lang sa aming kumpanya. wala pa shang isang buwan. nasampolan na sha ni Dorina. pano nangyari? eto na.
INT. Sa Isang bldg. na maraming nag-aaply (mga alas otso ng umaga)
Dorina: Hindi kita kailangan! umalis ka dito! umuwi ka na! bratatatatatatatatatatatatatatat!
Dona: Dito na lang po ako, hintayin ko na lang po sina kuya na matapos.
Dorina: Hinde! umuwi ka na! hindi na kita kailangan! uwi! uwi! uwi!
makalipas ang ilang oras..
krrrrrrrrrring! krrrrrrrring!
Dona: Hello po ms. Dorina?
Dorina: Asan ka? umakyat ka nga dito sa (insert department's name here.)
Oh diba nakakaloka sha? hindi mo maintindihan kung ano ba talaga ang wish nya sa buhay na itechiwa. pakiramdam ko, nagkaron sha ng bad na childhood. ung tipong nagalaw sha ng mga tambay sa kanto or ng kanyang tsong or kung sinuman na mang-aahas na pumatol sa kanya.
minsan ko pa lang naranasan ang bagsik ni Dorina Flor de Luna. eto yon:
INT. Office. (mga alas sais na ng hapon, tinawagan nya ko sa cellphone)
Dorina: Bakit hindi nyo pinalitan yung keme? dapat kahapon nyo pa un pinalitan! bratatatatatatatatatat! hindi nyo man lang sakin sinabi na hindi nyo pinalitan ung keme! dapat pinapalam nyo sakin dahil ako mananagot sa kliyente!
Shala: Eh Ms. Dorina, nagkaron po kase ng techie problems kaya di namin napalitan yung keme.
Dorina: Ay nako, wag kayong uuwi hanggat hindi nyo napapalitan yung keme ngayong gabi! dapat ngayon nyo palitan yan! wag kayong uuwi! bratatatatatatatatatatatatatat!
oh diba? naiimagine ko si Dorina habang sinasabi nya sakin yan. feeling ko may mga maglalabasang bala sa bunganga nya habang kumukuda sha ng ganun. pero kumpara mo sa naranasan nina Dona at Maria, walang sinabi yung naranasan ko. ganun sha nakakaloka.
Wishing and Hoping kame lahat dito sa kumpanya namin na mawala na sha. hindi naman mamatay, mashado namang masama un. mawala lang sha sa mundo namin. happy na kame nun. may ilang times na din na umabot na sha to the point na magreresign sha. akala namin hanggang dun na lang. pero hindi pala.
pag sinabi nyang magreresign sha, two days from that day, babalik sha. kesho kailangan daw nyang tapusin yon at iyan. ganun sha. kaloka davah? tapos magkukukuda nanaman sha at magreresign at babalik nanaman. ganun sha. para shang aso. mahilig kumain ng sariling suka. kung gusto mo na, gustuhin mo talaga. kung ayaw mo, eh di wag.
marami pang kwento tungkol kay Dorina. as in madami pa talaga. wiz ko na kwento ung iba. next time na lang siguro. para more Dorina, more fun. pasok ate sheryn! DORIIIIIIIINA Flor de luna, feg-ivig mo ang shang fag-asa..
Wednesday, August 1, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)
