FLASHBACK!
Eagle25bi: BUZZ!
SassyAshala: ASL pls.
Eagle25bi: 25 bi-curious Enkanchorva. u?
SassyAshala: 20 Gay. pic?
Eagle25bi: cam lang po. pwede paview?
SassyAshala: sure.
at dito na nagsimula ang walang humpay na chikahan ng dalawang hitad. Makalipas ang ilang hours, nagdecide sila na mag-EB. Hindi SEB, EB lang. conservative kahit papano ang baklang ibong Ashala.
Napagusapan ng dalawa na magmit sa Enkanchorva. Sa tapat ng Top and Bottom, kung saan bagong tayo ang Kawayan.
At dumating na ang baklang ibon sa Kawayan. at dun nya nakita ang Kawayan. duh. yiz. isang malaking kawayan. kawayan na mahaba, mataba, at may kaunting ugat. hehehe. kawayan na tayong tayo sa madamong lugar ng Enkanchorva. Ang Enkanchorva ay matatagpuan sa kanto ng Orosa at Nakpil. Kung saan noong unang panahon ay hindi pa ito na-iinvade ng mga merly, at ang mga taong laganap dito ay ang mga taong direcho ang preference sa buhay. hehe.
"D2 na me. er na u?" text ng Ibong Ashala kay Adarna Eating Eagle. After 10 minutes, waing reply. miscol. walang reply. text. walang reply. text. wai pa din. Jiritation ang bakla. nagmaganda ang Eagle25bi.
Drama-dramahan ang Ibong Ashala dahil feeling nya ang chaka chaka nya. Tinry nyang umalis, pero ang kanyang bagong pedicure sa Buff Spa na Adidas ay na-stuck sa maliit na butas sa Kawayan. Nakakahiya kung iisipin, pero poised parin ang bakla.
"PUTAMPAKSYYYYYET!" yun lang ang nasa isip ng baklang twit twit. "Pano kaya akiz makakaaliz sa ganitembang sitwachon? hmmm. tukain kez kaya iteng kawayanachi.."
Tuka. Tuka. Tuka.
A Flash of Blinding Light momentarily stunned Ibong Ashala. And a mysterious silhouette emerged from between the cracks of the Kawayan. up music: (to the tune of Marimar) Ten Tententen, Tentenen ten ten ten ten, tentenen ten ten ten ten ten, tentenen ten ten ten ten, shing shing!
At Pagkababa ng mga Reflector ng P.A., nasilayan ni Ibong Ashala ang isang merlyng ubod ng ganda, na ang buhok ay kulot kulot ang dulo ng buhok. walang pang-itaas ang merly. tanging mga kabibe at istarfish at mga pukka shells from bora lang ang kanyang pang-itaas. shempre meron shang pambaba. lagut sha kay La Guardia kung wala. Nakasuot sha ng sarong na puti na nakabalot lang sa kanyang hips. in a dawn zulueta/Lucy Torres voice, sinabi nyang:
"Ashala. Salamat dahil ako ay pinakawalan mo sa aking pagkakakulong. Ako si Inang Chorva. At dahil sa iyong kabutihan, ikaw ay gagantimpalaan ko. Mula ngayon, ikaw na ang magiging pinakamagandang bakla sa buong Enkanchorva. At simula sa araw na ito, ikaw na si SHALA!"
At di dito nagtatapos ang lahat. In fact palakpak, simula palang ito. yiz. This is the beginning. the Alpha. The Starting point. dito nagsisimula, ang Chronicles of Shala.
Showtime na.
up music: Ten Tententen, Tentenen ten ten ten ten, tentenen ten ten ten ten ten, tentenen ten ten ten ten, shing shing!

No comments:
Post a Comment