Monday, July 30, 2007

Wish ko Lang.

Lahat ng tao sa mundong itechiwa ay may pangarap sa buhay. Pangarap na gustong matupad bago kumulubot ang balat o mamatay.

noong bata pa akey, wish ko lang maging babae ako. pero alam ko namang imposible sa lahat ng imposible un. kaya, heto, nagmaganda na lang akey. wala din namang pinagkaiba, boobelya lang at puk*rsha ang kulang, pero nice lang. happy naman akey sa life ko.

Lahat tayo may ninanais. may ginugusto. may hinahangad. itechiwa ang mga pangarap ko at gusto kong maging sa buhay ko. (maliban sa maging isang tunay na babae.) hihihihihi.

Bet kong:
  • magbitbit ng briefcase at maging deal or no deal girl with matching dance steps and the palo palo sa briefcase.

  • maging sexbomb girl or wowowee girl at magsayaw ng todo todo na maiksi lang ang suot with matching high heels. (...Lhavet!)

  • maging cheerleader. yiz! magwavewave ng pompoms at ibatobato sa ere na parang walang buto. at shemps, magpacutee cute sa mga players. nyahahaha.

  • magsuot ng designer clothes with matching fabulosang hair at rumampa sa runway in the fiercest way possible.

  • magmodel-model in front of the camera with matching pouty lips at iba pang kachurvahan ng mga modelong merlat.
  • maging miss universe, miss international, at miss world at magtulong magspread spread ng world peace sa mundong itechiwa. bet ko din magsuot ng korona at magbitbit ng bulaklak at magcrylalu habang nagffirst walk as miss cheverlou.

  • maging isa sa mga desperate housewives. magserve serve sa asawa kez with matching issues on the side. magshopping shopping, and shempre, magsunog ng balur ng mga kaaway kez.

  • maging si Carrie Bradshaw sa Sex and the City, with matching walang humpayang pagkana with the boylets and making chikka to the public. ahihihihihi.

  • maging si Alwina, si Darna, si Sabina, si Zsa Zsa Zsaturnnah, at sineklavech pang mga superheroines na wishing ng world peace. bet ko din mangwarla ng mga bad guys in leather suits habang akey ay nakasuot ng mga retaso galing sa mga mananahi.

  • maging si Marimar. magpaka-inosente at magtakbo takbo sa tabing dagat. makipaglaro sa asong mapulgas, at magrevenge via the kuntrata sa putikan. bet kez din makipagkissy kissy kay papa sergio. hehehe.

Lahat tayo may kana kanyang pangarap. yiz. tutuu yan. matupad man ito o hinde, sa atin lang itey nakasalalay. wirishimang pake ang ibang tao sa kung anong gusto nating gawin sa ating buhay. basta masaya ka, go mga bakla! pakealam ba ng iba davah?!

hindi ka pusa. isa lang buhay mo. do everything in your power in order to make your dreams possible. dahil sa globe, posible. like nga ng sabi ni papa spidey sa kanyang muvi, with great power, comes great responsibilities. konek? keber sa konek! basta happy ka yun na yon!

2 comments:

justpurny said...

heheeh wanda's prodigy?

Shala Shala. said...

hindi naman po. fan lang po ako ni wanda at kahit kelan eh hindi ko mapapantayan ung standards nya. @_@ thanks for dropping by! (^^,)